Panitikan (Literature)
Nawiwili ka ba at nais mong malaman ang panitikan ng bansang Pilipinas at France? Ngayon, atin itong ipaghambing. Kasaysayan ng Panitikang Pranses
- Ang bansa'y napabilang sa mga bansang nasa Mediterranean at ito'y mayaman sa panitikan.
- Ang mayamang panitikan ng bansa ang siyang nagsilbing kanlungan ng kanilang mga sinaunang kaugalian, tradisyon, at kultura sa kabuuan.
- Isinulat ng mga taong naninirahan sa Pransiya na nagsasalita ng tradisyunal nilang mga wika kahit na maaaring hindi wikang Pranses ang gagamitin sa panitikan.
Kasaysayan ng Panitikan ng Pilipinas
- Nagbuhat ang panitikan ng Pilipinas mula sa sari-saring mga lipon at pangkat ng mga taong dumating sa mga kapuluan nito. May pagkaka-agwat-agwat nang dumating sa sinaunang Pilipinas ang mga Negrito, mga Indones, at mga Malay.
- Kuwentong Bayan, Alamat, Dula, at Nobela ay iilan lamang sa uri ng Panitikan ng Pilipinas. Hindi natin maikakailang napakagaganda ng mga panitikan ng dalawang bansa. Hindi naman naiiba ang panitikan ng bansang France at Pilipinas. Ang dalawa'y mayaman sa panitikan at pareho ring ipinakikita sa kanilang mga panitikan ang kanilang kultura at tradisyon.
• Louie Melvin Tero
Kasaysayan ng Maikling Kwento sa Pilipinas
-Ito ay nasilayan na noon, bago pa man dumating ang mga kastila sa ating kapuluan. Karamihan sa mga panitikan sa panahong ito ay nagmula lamang sa iisang tao. Gamit ang pagsasalin-dila, ang mga kuwento'y naipasa-pasa sa iba’t-ibang tao at lugar.
- Madalas na itinitema rito ang kalikasan o diyos-diyosan at ito ay ang pasalitang pagsasalaysayan sa tradisyon patuluyan.
Kasaysayan ng Maikling Kwento sa France
- Isang maigsing hinggil sa isang mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan na may isang kakintalan o impresyon.
- Isa rin itong paggagad sa realidad o isang madulang pangyayaring naganap sa buhay o pangunahing tauhan.
Maikling Kuwentong Kapupulutan ng Aral
France
Kung ang iyong hilig ay ang mga panitikan mula sa France, ang aking mairerekomenda sa iyo ay ang akdang "Ang Kuwintas" na isinulat ni Guy de Maupassant bilang isang maikling kwento na nangangahulugang isang akda na naglalayong ang isa o kabanata ng mga pangyayari sa buhay ng pangunahing tauhan at tanging mababasa sa maikling panahon lamang. Ang kuwentong ito ay patungkol sa isang magandang babae na nagngangalang Mathilde na naghahangad na maikasal sa isang mayaman at kilalang binata dahil siya ay isinilang na mahirap lamang. Ngunit siya ay naipakasal sa isang abang tagasulat lamang. Tiyak na magugustuhan mo itong maikling kwentong aking inirekomenda sapagkat ito ay kapupulutan ng maraming aral.
Philippines
Kung ang hilig mo naman ay ang panitikan mula sa Pilipinas, ang aking mairerekomenda sa iyo ay ang maikling kuwento na pinamagatang "Si Stella at ang mga kaibigan niya sa araw ng Pasko" na isinulat ni Sandy Ghaz. Ang akdang ito ay patungkol sa isang anak mayamang si Stella. Hindi siya katulad ng iba na lumaki sa marangyang buhay na walang ibang ginawa kundi mamasyal kung saan-saan lamang at maging matapobre. Tiyak na ito ay iyong magugustuhan sapagkat ikaw ay maraming kapupulutan ng aral; isa rito ay dapat tayo maging mapagbigay at maging matulungin sa mga taong mas higit na nangangailangan kaysa sa'tin.
Recommendation
Nobela
Philippines
Kung gusto mo ang mga panitikan sa Pilipinas, tiyak mayroon ako sa'yong mairerekomenda at ito ay ang "Florante at Laura" na gawa ni Francisco Balagtas. Nailimbag ito nuong taong 1838. Itong libro ay isa sa mga sikat at magandang literatura na nagawa sa bansang Pilipinas. Masasaksihan mo kung paano kumilos at ang mga nangyayari nuong nakaraang panahon sa bansang Pilipinas. Ang pagmamahalan ng dalawa at kung paano nila nalutas ang mga problemang hinaharap nila, ay masasaksihan mo sa nobelang ito. Ito ay iyong magugustuhan sapagkat ito ay isang klasikong nobela at marami ang nawili at ginawan pa ng mga palabas at pelikulang hango rito.
France
Kung ang iyong hilig naman ay ang mga panitikan sa France, ang aking maibabahagi ay ang librong may pamagat na " The Hunchback of Notre Dame" na gawa ni Victor Hugo. Ito'y kanyang nagawa nung taong 1831. Unang-una, matutunghayan mo ang ika-15 na century sa bansang france. Malalaman mo ang kanilang kultura, nakagawian, at iba pa. Isa ito sa mga sikat na libro sa bansang France at itong libro na ito ay nagawan pa ng pelikula na mas hilig ng mga tao. Sigurado ay mahihiligan at magugustuhan mo itong libro.
• Neil Tobie Caures
Tula
Mahilig ka ba sa mga tula? Kung gano'n, basahin mo ang tulang “Sa Aking Mga Kabata” na gawa raw ng ating pambansang bayani, si Gat Jose Rizal. Dahil wala raw pagpapatunay na si Rizal ang may gawa, marami ang nagsabing hindi siya ang may gawa ng tula. Pero marami pa rin ang nainiwalang si Rizal ang gumawa nito nu'ng siya'y 8 taong gulang. Ang tula ay nagpahihiwatig ng pagmamahal sa ating bansa, pagmamahal sa ating wika at malugod ko itong inirerekomenda sa iyo.
Kung gusto mo nama'y tulang galing sa ibang bansa, maaari mong basahin ang “Le Lac” o “The Lake” sa wikang Ingles. Ang “Le Lac” ay tulang romantikong galing sa Pransiya ni Alphonse de Lamartine. Ang makabagbag-damdaming tulang ito ay patungkol sa lawang madalas pinupuntahan nina Alphonse de Lamartine at Julie Charles. Isinalaysay sa tula ang pagbisita ni Lamartine sa lawa isang taon matapos lumisan si Julie. Ngunit ang pinakapaksa ng tula ay ang kanilang masayang alaala nang sila'y sumakay sa bangka.
• Louie Melvin Tero
Comments
Post a Comment